Sa kabila ng nagdudumilat na katotohanang ito ay bawal sa ilalim ng Peresidential Decree 1602 at RA9287 at ito ay may karampatang mabigat na parusa sa mga mananaya, mga nagpaptakbo ng sugal at higit sa mga opisyal ng pamahalaan at maging sa mga tagapag-patupad ng batas na kung saan ay malinaw na isinasaad ng RA9287 ang probisyon nito na "Sec. 5. Liability of Government Employees and/or Public Officials. -
a) If the collector, agent, coordinator, controller, supervisor, maintainer, manager, operator, financier or capitalist of any illegal numbers game is a government employee and/or public official, whether elected or appointed shall suffer the penalty of twelve (12) years and one (1) day to twenty (20) years and a fine ranging from Three million pesos (P3,000,000.00) to Five million pesos (P5,000,000.00) and perpetual absolute disqualification from public office.
In addition to the penalty provided in the immediately preceding section, the accessory penalty of perpetual disqualification from public office shall be imposed upon any local government official who, having knowledge of the existence of the operation of any illegal numbers game in his/her jurisdiction, fails to abate or to take action, or tolerates the same in connection therewith.In the case of failure to apprehend perpetrators of any illegal numbers game, any law enforcer shall suffer an administrative penalty of suspension or dismissal, as the case may be, to be imposed by the appropriate authority."
bigo pa rin ang pamahalaang lungsod ng quezon na ipatigil at ipahuli ang mga taong nasa likod ng iligal na pasugalang ito.
Usap-usapan pa sa cubao na isang aktibong pulis Quezon City pa umano ang umareglo sa pagpapasugal ng peryahang gala sa westpoint street na katabi lamang ng LRT Station patungong recto.
Maging ang direktor ng QCPD ay tila nakatali ang mga kamay at paa na halos hindi kayang tinagin ang pasugal na ito.
Kapansin-pansing gabi-gabing dinadaanan ito ng mga mobil patrol cars ng mga pulis QC ngunit hindi naman ito hinuhuli.
Ayon pa sa ilang mga impormante ng StreetWatch, ipinagyayabang pa anila ng menteyner ng pasugalang ito na kinilala lamang nila sa pangalang "INE" na kahit sino anila ang magtangkang pumuna o magpahuli sa naturang sugalan ay mabibigo lamang anila sa kadahilanang "bata" umano ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kaniyang asawang si Bobby na isang BJMP Man.
Kung sakaling totoo ang kayabangang ito nitong sinasabi nilang si "INE", aba'y nakalulungkot na ngang isipin na napupuhunan na pala ang pangalan ng multi awarded politician at First Term Mayor na si Bistek para sa kanilang sariling kapakinabangan. lumalabas pa tuloy na kinukunsinte ng batang alkalde ang kanilang kabulastugan.
Totoo kaya ito mayor???? kapag sa kabila ng mga puna at sumbong ng mga impormante sa iyong tanggapan ay hindi inaksyunan ang tungkol dito, baka manila ang STREETWatch na alam mo nga ito at naibulong na sa iyo ng diumano ay nagangalandakang bata mo daw na si "Bobby" na isang BJMP Man.
No comments:
Post a Comment